Positibo ang pananaw ng Department of Labor and Employment sa mahigit 4 milyong Pilipino na walang trabaho sa nakalipas na buwan ng Abril.
Ayon kay Labor Secretary Dominique Tutay kung tutuusin ay mababa na ang nasabing bilang ng mga walang trabahong Pilipino kumpara nuong isang taon kung kailan nagsimula ang pandemya.
Sinabi sa DWIZ ni Tutay na ang nasabing unemployment rate ay patunay lamang nang pagbubukas ng ekonomiya ng bansa.
Mataas pa po iyan kumpara po natin sa pre-pandemic situation natin pero ang tingign po namin diyan much improvement na po sa 2020 figures natin in terms of unemployed person and unemployment rate. So ibig sabihin lang po niyan na unti-unti nagbubukas na ang ating ekonomiya at kailangan na po na tuloy-tuloy po ito. Maganda na po meron na tayong vaccination for A4 categories of workers ang hopefully when the vaccines are enough maging tuloy-tuloy na rin po ang re-opening ng ating businesses, ani Tutay sa panayam sa IZ sa Ala-Sais