Ipaprayoridad ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagtanggal ng child labor sa bansa sa 2023.
Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, iniharap na niya sa kongreso ang mga proyekto at programa na gustong pagtuunan ng pansin ng kagawaran.
Kabilang dito ang implementasyon ng Philippine Program Against Child Labor (PPACL) na naglalayong baguhin ang buhay ng mga child laborer, kanilang pamilya, at mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay proteksyon.
Sa datos ng International Labour Organization (ILO), nananatili pa ring rason ang kahirapan kung bakit nagtatrabaho ng maaga ang mga bata.
Samantala, hinimok ni laguesma ang patuloy na suporta ng stakeholders upang mapadali ang pagsasakatuparan ng child-labor-free sa Pilipinas.