Puspusan ang pagtatrabaho ng DOLE o Department of Labor and Employment para tuluyang mabura ang endo o end of contract at contractualization.
Sinabi sa DWIZ ni Labor Secretary Silvestre Bello III na regular ang paghingi niya ng report sa labor officers sa iba’t ibang panig ng bansa para makakuha ng development sa nasabing usapin.
Tiniyak muli ni Bello ang pagtupad sa kautusan ng Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang naturang sistema na target nilang bawasan ng 50 porsyento bago matapos ang taong ito.
Bahagi ng pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III
Job orders
Inamin ni Labor Secretary Silvestre Bello III na marami pa ring job orders sa gobyerno.
Subalit ipinabatid sa DWIZ ni Bello na tinutugunan na ito ng Civil Service Commission (CSC).
Ayon kay Bello, nakikipag-ugnayan na siya sa CSC para ang ilang job orders ay maging regular item na sa gobyerno at nasa plantilla na.
Bahagi ng pahayag ni DOLE Secretary Silvestre Bello III
By Judith Larino | Balitang Todong Lakas