Binalaan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga employer na hindi susunod sa batas kaugnay sa pagbibigay ng 13th month pay.
Ayon kay Baldoz, mananagot sa batas ang employer na hindi magbibigay ng 13th month pay sa tamang schedule.
Dapat aniya ay nasa kamay na ng mga empleyado ng mga pribadong kumpanya ang kanilang buong 13th month pay bago mag-December 24 o hanggang December 23 lamang.
Kasabay nito, ipinabatid ni Baldoz na halos 95% na ng mga kumpanya ang sumusunod sa batas kaugnay sa pagbibigay ng 13th month pay para sa 2014 katulad din noong mga taong 2012 at 2013 na kapwa 5 porsyentong mataas sa naitalang compliance rate noong 2011.
By Judith Larino