Hinimok ni outgoing Labor Secretary Rosalinda Baldoz si incoming President Rodrigo Duterte na ibilang ang mga illegal recruiter sa pupuntiryahin ng kanyang administrasyon.
Sinabi ni Baldoz na yaman ni lamang na kriminalidad ang prayoridad na sugpuin ni Duterte, umaasa itong maihahanay ang illegal recruitment sa mabubuwag.
Una nang ipinangako ni Duterte na tutugunan nito ang suliranin sa illegal recruitment at ituturing na tulad ng holdaper at kidnaper ang mga illegal recruiter.
Samantala, umaasa si Baldoz na maipagpapatuloy ng Administrasyong Duterte ang paghubog sa Return Migration Policies na maglalayong gumawa ng mga trabaho rito sa Pilipinas upang maging boluntaryo na lamang ang pangingibang-bansa at hindi dahil sa kawalan ng mapagkakakitaan dito.
By: Avee Devierte