Muling pina-alalahanan ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz ang mga private sector employer na tumalima sa Holiday Pay Rules ngayong Ika-Isandaang Labingwalong taong Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan na deklaradong Regular Holiday.
Alinsunod sa holiday pay rules, makatatanggap ang mga manggagawa ng 200 percent ng kanilang regular na sahod ngayong araw o double pay sa unang walong oras; dagdag na 30 percent naman para sa mga mag-o-overtime;
Tatanggap ng 100 percent ng kanilang arawang sweldo ang mga hindi magta-trabaho ngayong araw habang ang mga manggagawang nataong rest day ang holiday subalit pumasok ay tatanggap ito ng additional 30 percent sa daily rate ng 200 percent ng sweldo.
Para naman sa mga magtatrabaho ng higit sa walong oras kahit day off ay tatanggap ang mga manggagawa ng dagdag na 30 percent ng hourly rate bukod pa sa 200 percent at additional 30 percent.
By: Drew Nacino