Aminado si Labor Secretary Silvestre Bello III na mahirap wakasan ang nakagawian ng mga kumpanya na kontraktuwalisasyon o End of Contract.
Ayon kay Bello, pursigido ang Duterte administration na tuluyan ng wakasan ang iligal na Endo.
Magugunitang hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte noong May 1 labor day ang mga manggagawa na mag-akda ng sariling Executive Order na magwawakas sa Endo na ihahain sa mga kapitalista upang maglabas ang ehekutibo ng pinal na bersyon.
Mayroon na rin anyang nakabinbin na dalawang panukalang batas sa kamara na iniakda ng T.U.C.P. Partylist na absolute prohibition ng kontraktuwalisasyon at endo.
Hinikayat naman ng kalihim ang media maging ang mga manggagawa na magsilbing volunteer inspector upang matunton ang mga kumpanyang nagsasagawa ng endo at illegal contractualization.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco