Sinuspinde ng Department of Labor and Employment o DOLE ang lisensya ng nasa labing isang mga recruitment agencies.
Ito ay matapos na mapatunayang may nilabag ang mga nasabing ahensiya sa kanilang pagpapadala ng mga Pilipinong manggagawa sa Kuwait.
Tiniyak naman ni Philippine Overseas Employment Administration o POEA Administrator Bernard Olalia na madaragdagan pa ang mga recruitment agency na kanilang kakanselahin ang mga lisensya.
Aniya, patuloy pa ang kanilang imbestigasyon at pagresolba sa kaso ng iba pang mga lumabag na ahensiya.
Bukod dito, limang empleyado rin ng POEA ang sinibak sa pwesto matapos namang mapatunayan sa kasong katiwalian at nagpabaya sa kanilang mga tungkulin.
Narito ang listahan ng mga suspendidong recruitment agencies:
1) Al Bayan International Manpower Services Co.;
2) Bumiputra Gulf Company Inc.;
3) Gold Fortune Human Resources Corp;
4) LFC International Human Resources;
5) Aisis International Manpowere Incorporated;
6) GreatWorld International Management Inc.;
7) GlobalGate International Manpower Services Inc.;
8) MMML Recruitment Services Inc.;
9) NRS Placement Inc. (four months suspension of license, reprimand);
10) SML Human Resources Inc.;
11) Best Migrant Workers International Manpower Services Inc.
Narito naman ang mga pangalan ng limang empleyado ng POEA na sinibak sa pwesto:
1) Florence Medina (LEO II and evaluator);
2) Jerome Sousa (Administrative aide BM cum evaluator, service contractual);
3) Gretchen Casilang (LEO II and evaluator);
4) Renegold Macarulay (Supervising Labor and Employment Officer);
5) Rosalina Rosales (LEO III and evaluator)