Target mabawasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang child labor practices ng 30% ngayong taon.
Ayon sa DOLE, bahagi ito ng kampanya ng pamahalaan kontra child labor na inilunsad sa pamamagitan ng iba’t-ibang programa at proyekto.
Tutugunan ng mga programa ang pagtugon sa apat na karapatan ng mga bata: ang survival, development, protection at participation.
Inatasan naman ang mga stakeholder sa programa na tukuyin ang long term goals upang mapigilan ang child labor.
Una nang hinimok ni Labor Secretary Buenvenido Laguesma ang mga labor official na unahin ang pagsugpo sa child labor sa bansa. - mula sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5) at panulat ni Hannah Oledan