Makakaasa ng tulong mula sa pamahalaan ang mga pilipinong mawawalan ng trabaho kung ipagbabawal o ipasasara na ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).
Ito ang tiniyak ni Department of Labor and Employment (DOLE) Usec Carmela Torres na inaalam ang age range at kung saan maaaring mabigyan ng training ang mga pinoy na empleyado ng POGO para maipasok sa angkop na trabaho o kaya mga programa.
Sinabi naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, karamihan sa mga nagtatrabaho sa mga pilipino na nagtatrabaho sa POGO ay mga utility personnel at mga security guard.
Dapat aniya mabigyan ng pagkakataon ang mga ito na maghanap buhay at mapataas ang kalidad at antas ng kanilang mga skills upang matiyak ang sapat na kita at matugunan ang kanilang mga pangangailangan.