Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang patuloy na pagtulong sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, hindi tatalikuran ng gobyerno ang pangako nitong pag-aalalay sa mga displaced OFW hanggang sa kung kailan nila ito kailangan.
Kaugnay nito, ipinabatid ni Bello na aabot na sa kalahating milyong OFW na apektadong pandemya ang napauwi na sa bansa ng gobyerno.