Muling tiniyak ng Department Of Labor and Employment (DOLE) ang tulong sa mga manggagawang maaapektuhan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine sa Metro Manila.
Umaasa si Labor Secretary Silvestre Bello III na mabibigyan sila ng karagdagang pondo upang ipamahagi sa mga obrerong pansamantalang mawawalan ng hanapbuhay.
Ayon kay Bello, kailangan lamang magpadala sa kanila ng request ang mga employer.
Idaraan naman sa mga remittance center ang ayudang posibleng umabot sa P5,000 sa bawat manggagawa.
Target dito ay mga minimum wage earner, kailangan bigyan natin sila ng sapat na ayuda para hindi naman sila maaapektuhan ng pandemic gaano…Kailangang-kailangang mabigyan sila ng tulong,“pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.—sa panulat ni Drew Nacino