Tiniyak ng Deparment of Labor and Employment (DOLE) na kumikilos na ang pamahalaan upang hindi mangyari ang worst case scenario na mawalan ng trabaho ang nasa 10-milyong manggagawa ng bansa.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang brain storming kung paano matutulungan ang mga maliliit na kumpanya na huwag magsara sakaling magtagal pa ang community quarantine dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Kung magtatagal ito, maraming mga negosyo ang magsasara, hindi na maka-operate. Syemrpe, pag nawalan ng negosyo, mawalang ng trabaho. Kaya ‘yon ang kinakatakutan natin,” ani Bello.
Sa ngayon, tanging ang cash aid para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan na trabaho na lamang ang natitirang programa ng DOLE para sa mga manggagawa.
Ayon kay Bello, itinigil na nila ang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) noon pang unang linggo ng Mayo dahil naubos na ang mahigit sa P3-bilyong pondo para rito gayundin ang Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantage/Displaced Workers (TUPAD) kung saan mahigit sa 1-milyong manggagawa ang nabigyan ng cash aid.
Meron pa namang naiwang pondo kasi nagdagdag ang ating pangulo ng P1-bilyon para sa mga OFW kaya mayroon pa tayong ipinapatupad na cash assistance para sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19,” ani Bello. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas