Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Director Maria Karina Perida Trayvilla na mayroon na umanong ilang indibidwal na kakasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa anomalya sa Tupad program o cash aid na binibigay sa mga mangagawang apektado ng pandemya.
Ani Trayvilla, natuklasan ang nangyaring anomalya sa unang distrito ng Quezon City kung saan may mga tumanggap na sahod sa Tupad program kahit na hindi ito nagtatrabaho.
Sinabi din niya na hindi pa maaaring ibunyag ng ahensya ang mga natukoy na indibidwal sa isinasagawang imbestigasyon.
Samanatala, pansamantalang itinigil ang pagbibigay ng Tupad program sa nasabing lugar. —sa panulat ni Airiam Sancho