Nakikipagtulungan ang regional offices ng labor department sa pag-institutionalize ng Public and Employment Service Office (PESO) upang maisakatuparan ang hangarin ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maipaabot sa mga mahihirap lalo na sa mga nasa liblib na lugar ang mga programa at serbisyo ng pamahalaan.
Sa Laging Handa Briefing sinabi ni DOLE-Bicol Regional Director Maria Zenaida Campita, dahil dito, magkakaroon na ng permanenteng mangangasiwa sa implementasyon ng mga programa ng kanilang ahensya.
Mas mapaghuhusay din nito ani Campita ang mga tungkuling gagampanan ng mga kinauukulang tanggapan ng gobyerno at ng mga Local Government Unit (LGU) upang maiparating sa mga malalayong lugar ang mga ginagawang pagsisikap ng pamahalaan na matulungan ang mga mahihirap.
Katuwang din aniya nila dito ang ibat-ibang pribadong sektor gaya ng mga school institutions. – sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17)