Kumpiyansa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na maisasabatas ang Department of Overseas Filipino Workers (OFW) bago matapos ang taon.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, malaki ang maitutulong nito para sigurong mabibigyan ng proteksiyon ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Sakaling maging batas ay tatlong departamento sa ilalim ng DOLE ang mawawala at mapupunta sa Department of OFW.
Doon sa aming proposed bill, nire-recommend namin na yung POEA, OWWA atsaka NRCO ay magiging attached agency din nung magiging Department of OFW. So, mawawalan kami ng tatlong ahensya, talagang kagaya ng sinabi mo malaking kabawasan sa aking responsibilidad at trabaho,” ani Bello. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas.