Umapela ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa Department of Transportation (DOTR) na i-renew ang awtoridad ng Private Emission Testing Centers (PETCS) sa buong bansa para matulungan ang mas marami pang manggagawa sa gitna ng pandemya.
Ito’y matapos makatanggap si Labor Secretary Silvestre Bello III kay Transportation Secretary Arthur Tugade noong March 31 ng mga sulat mula sa pangulo ng environmental group na Ani Kalikasan at isang PETC Owner noong January 28.
Sa liham na ito, inihayag ni Bello na ang pagsasara ng PETCS sa buong bansa ay nakaapekto sa 550 manggagawa at kanilang mga pamilya.
Samantala, umapela din ang Ani Kalikasan sa DOLE at binigyang-diin na walang ginawang paglabag ang mga testing center. – sa panulat ni Ariam Sancho