Wala pang naitatala ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mga Pilipinong nahawahan ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV sa South Korea.
Ayon kay Labor Attache Felicita Bay ng Philippine Overseas Labor Office sa South Korea, wala silang impormasyon na natatanggap na tinamaan ng virus.
Gayunman, pinayuhan ng DOLE ang mga Pinoy sa SoKor na maging maingat sa kanilang kalusugan.
Sa ngayon ay nasa 27 na ang bilang ng nasawi habang tinaya sa 170 ang tinamaan MERS-CoV sa nasabing bansa.
By Drew Nacino | Aya Yupangco (Patrol 5)