Wala pang plano ang Department of Labor and Employment (DOLE) na i-repatriate ang mga Pilipino sa Israel.
Ayon kay labor attaché Rudy Gabasa, wala pa sa opsiyon nila ang paglikas sa mga Pinoy sa gitna ng tensiyon sa nasabing bansa.
Sinabi ni Gabasa na nasa Alert level 1 ang Israel kaya’t prayoridad nilang madala sa mas ligtas na lugar ang ating mga kababayan doon.
Nilinaw din ng opisyal na walang deployment ban dahil mababa pa naman ang alerto sa nabanggit na bansa.