Tiniyak ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Kamara na walang magaganap na labor crisis sa bansa.
Sa gitna na rin ito ng mga balitang mahigit 1 milyong OFWs sa Middle East ang nawalan ng trabaho dahil sa pagbaba ng presyo ng krudo.
Ayon sa House Labor Committee, handa na ang DOLE na bigyan ng ayuda ang mga apektadong OFW mula repatriation hanggang sa paghahanap ng bagong trabaho.
Bukod sa livelihood package, ipinabatid ng Kamara ang programa ng DOLE para sa redeployment ng mga OFW na mawawalan ng trabaho sa Middle East para sa lokal na trabaho o sa ibang bansa rin.
By Judith Larino