Naipagkaloob na ng Department of Labor and Employment (DOLE) Zamboanga Sibugay Provincial Field Office ang Kabuhayan Starter Kit (KSK) sa kanilang mga benepisyaryo sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.
Kabilang ang sets ng brewing machine na nagkakahalaga ng P30,000.
Ang disposisyon ng KSK ay bahagi ng DOLE Integrated Livelihood Program kung saan layon nito na mabigyan ng mga kagamitan ang mga benepisyaryong nasa informal sector na nagnanais magkaroon ng negosyo.
Samantala, pinangunahan ito mismo ni DOLE Sibugay Provincial Director Elamsalih Ungad kasama ang kanyang mga tauhan.