Mananatiling bukas ang Dolomite Beach araw araw sa publiko.
Ito ang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), walang araw na hindi bubuksan ang naturang atraksyon mula 6 ng umaga hanggang 6ng gabi.
Habang ipinagbabawal naman ang paglangou sa katubigang sakop nito at pagkakalat sa lugar.
Ito’y sa kabila ng pagbaba ng fecal coliform bacteria na na-detect sa katubigan sa palibot ng beach area.
Ipinabatid naman ni DENR Secretary Jim Sapulna, maaaring hindi pa ligtas ang tubig sa lugar ngunit ipinapakita ng mga resulta ang tagumpay ng laban ng kagawaran para sa manila bay.
Samantala, tiniyak naman ng kalihim sa publiko na ang ginamit na crushed dolomite ay ligtas na gamitin.