Dinagsa ng libu-libong namamasyal ang muling pagbubukas sa publiko ng dolomite beach kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 taong anibersaryo ng Araw ng Kalayaan, kahapon.
Magugunitang isinara ang dolomite beach sa Maynila para sa ikalawang yugto ng rehabilitasyon nito.
Bago pa man ang ingurasyon dakong alas-4 ng hapon, bumuhos na ang mga naghihintay sa muling pagbubukas ng nasabing pasyalan.
Ayon sa Department of Enviroment and Natural Resources (DENR), mahigpit pa ring ipatutupad sa dolomite beach ang health protocols kontra COVID-19, gaya ng pagsusuot ng face mask.
Samantala, aabot lamang sa 1,500 hanggang 3,500 na katao ang maaaring makapasok sa nabanggit na lugar sa piling mga oras.