Planong buksan sa publiko ng pamahalaan sa huling linggo ng Abril ang Dolomite Beach sa Maynila.
Ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones na patuloy ang kanilang ahensya sa pagsasaayos ng Dolomite beach upang maiwasan ang problema sa publiko.
Sinabi ng kalihim na mayroong treatment na ginagawa ang kanilang ahensya upang maging malinis ang tubig sa Dolomite Beach.
Umaasa naman si Leones na sakaling matapos ang rehabilitasyon, ay maari naring languyan ang Dolomite Beach. —sa panulat ni Angelica Doctolero