“Manila Baywalk Dolomite Beach”.
Ito ang pormal na pangalan ng Dolomite Sand Beach sa Manila Bay.
Nilagyan na rin muna ng arko ang lugar nitong weekend na may nakasulat na pangalan ng pasyalan.
Makikita rin ang puting bakod sa kahabaan ng Baywalk.
Sa ngayon dahil nasa alert level 4 pa ang NCR, bawal muna ang pumasok sa beach area.