Posibleng bumalik na sa pre-pandemic level ang domestic economy ng Pilipinas.
Ayon kay Joey Concepcion, Presidential Adviser for Entrepreneurship, dulot ito ng unti-unting pagbalik-operasyon ng mga negosyo kasunod ng pagsailalim sa Alert level 1 ng mayorya ng lugar sa Pilipinas.
Nakikita ring tulong ni Concepcion sa paglago ng ekonomiya ang mataas na vaccination rate at patuloy na pagsunod ng publiko sa health protocols.
Umaasa naman ang tagapayo na lalo pang mahihikayat ng pamahalaan ang publiko na magpa-booster shot at patuloy na matutulungan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises.