Sinimulan na ng Philippine Airlines (PAL) ang pagdaragdag ng mga flights ngayong maluwag at nasa alert level 2 na lamang ang status ng bansa.
Ayon kay PAL Spokesperson Cielo Villaluna, sa ginanap na Laging Handa Briefing, umpisa ngayong araw ng Biyernes ay aabot na sa 14 mula sa siyam ang kanilang manila to IloIlo flights bawat linggo.
Pagsapit naman ng Disyembre 16, tataas narin sa 14 ang kanilang Manila to Bacolod flights linggu-linggo at bubuksan narin ang biyahe ng PAL patungong Basco Batanes.
Magkakaroon narin aniya ng 57 flghts ang Manila to Gensan, at 28 flights naman ang Manila to Davao habang 14 na flights para sa Davao to Tagbilaran.
Posible rin umano na makaranas ngayon ng full loads flights na lumampas sa 80% dahil sa epekto ng holiday season. —sa ulat ni Jopel Pelenio (Patrol 17), sa panulat ni Airiam Sancho