Nabunyag ang paggamit ng ISIS ng domestic helpers sa Asya upang ipakalat ang kanilang idelohiya.
Ibinunyag ito ng Institute for Policy Analysis of Conflict (IPAC) matapos madakip ang tatlong babaeng Indonesian nationals na sangkot sa terror financing activities.
Ayon kay Nava Nurahiyah ng IPAC, ginagamit ng tatlo ang kanilang day off para i-promote ang ISIS online, at nagbibigay ng donasyon sa mga militanteng grupo.
Sinabi ng IPAC na naging radicalized ang tatlong OFW’s hanggang sa punto na isa sa kanila ay handang maging suicide bomber sa Syria.
Dahil sa pagkatalo ng ISIS sa Middle East, ibinaling na ‘di umano ng ISIS ang kanilang atensyon sa Asya at sa mga babaeng mabilis lamang mahikayat na sumanib sa kanila.