Nagsimula nang mag-ensayo si 4-division world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire Jr. bilang paghahanda sa kanyang laban sa Abril 23.
Ito ay kahit pa napabalitang umatras ang kanyang kalabang si dating IBF Featherweight Champion Evgeny Grodovich.
Maugong naman ang pangalan ng Hungarian boxer na si Zsolt Bedak na papalit kay Grodovich.
Kasalukuyang nasa Cebu si Donaire ngayon para sa kanyang training.
Sinabi ni Donaire na handa naman siyang kalabanin ang kahit sino at desidido aniya siyang ganapin sa Smart Araneta Coliseum ang susunod niyang laban.
By Ralph Obina