Nasa magandang kondisyon na umano ang katawan ni 5-Division World Champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire para sa nalalapit na laban nito sa Mehikanong boksingero na si Jessie Magdaleno.
Kasabay ito ng magiging bakbakan nina Sen. Manny Pacquiao at Jessie Vargas sa Thomas and Mack Center sa Las Vegas sa Nobyembre 5.
Ayon sa trainer nito na si Ismael Salas, may ilang mga pagbabago silang ginawa sa istilo ng boksingero.
Ilan na rito ang pag-alis sa mga unnecessary movements ng boksingero.
Nakitaan naman agad si Donaire ng development sa naturang pagsasanay.
Paliwanag ni Donaire, maganda ang kanyang pakiramdam at nakasisigurong nasa tamang kondisyon na ang kanyang katawan para makipagsagupa sa Mexican fighter.
By Mariboy Ysibido