Dapat nang ikonsidera ni dating four-division World Champion Nonito Donaire Jr. ang pagreretiro.
Ito ang payo ni veteran boxing analyst, Atty. Ed Tolentino kay Donaire matapos ang knock-out loss nito kay WBC at IBF World bantamweight champion Naoya Inoue sa Saitama, Japan.
Ayon kay Tolentino, ang panibagong kabiguan ng “Filipino Flash” ay maituturing na pinakamasamang pagkatalo nito simula nang pabagsakin siya ni Nicholas Walters via tecknical knockout sa round 6 noong 2014.
Ang pagkatalo anya ni Donaire ay isa ring indikasyon na tumatanda na ito at wala namang masama sa pagreretiro dahil napakarami na niyang nagawa at napatunayan.
Sa edad na 39, muling natalo ang Fil-Am boxer sa tinaguriang “Japanese Monster” sa kanilang engkuwentro noong Martes.