Handa na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire Jr. sa kaniyang pag-depensa sa WBC-118 world title laban sa kapwa Pinoy na si Reymart Gaballo na gaganapin sa Disyembre 11 sa Carson, California.
Ito ang unang sabak ng boksingero ngayong taon matapos na hindi matuloy ang laban sana nito kay Johnriel Casimiro.
Samantala, may rekord si Donaire na 41 wins, 6 loss, at 27 knockouts habang si Gaballo ay mayroong rekord na 24 wins, 20 knockouts at walang talo. —sa panulat ni Airiam Sancho