Tiwala si dating 5-time world champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire na muli siyang tatanghaling kampeon.
Ito ay matapos ang laban nila ni number one contender Cesar Juarez sa darating na Sabado sa Puerto Rico.
Sinabi ni Donaire na malaking oportunidad ang laban niya kay Juarez para makabawi sa kaniyang sunud-sunod na pagkatalo para muling kilalanin bilang world champion.
Nakataya sa bakbakan ang WBO world title sa 122 pound division.
Si Donaire ay may 35 wins at 3 losses samantalang 17 panalo at 3 talo naman ang hawak ni Juarez.
By Judith Larino