Nagpahayag ng kahandaan si Republican Presidential Candidate Donald Trump na makipagkita kay North Korean Leader Kim Jong-Un.
Ito ay para pag-usapan ang ukol sa nuclear program ng NoKor.
Ayon kay Trump, wala siyang nakikitang masama sa plano nitong pakikipagpulong sa pinuno ng Hilagang Korea.
Kung sakali, sinasabing hudyat na ito ng pagbabago sa mga polisiya ng Estados Unidos hinggil sa pakikipag-ugnayan sa isolated regime ng North Korea.
By Ralph Obina
Photo Credit: Reuters