Pinuri ni US President Donald Trump ang UN Security Council para sa panibago at mas matinding sanctions sa North Korea bilang tugon sa ballistic missile tests nito.
Ayon kay Trump, ang hakbang ng UN Security Council na umani ng 15-0 vote ay patunay na nais ng mundo ng kapayapaan at hindi kamatayan.
Kabilang sa sanction ang pagtapyas ng hanggang nobenta porsyento (90%) ng petroleum import ng NoKor.
Bumoto pabor sa nasabing resolusyon ang China at Russia, ang mga pangunahing trading partner ng North Korea.