Hindi kwalipikado si Republican nominee Donald Trump na maging susunod pangulo ng Estados Unidos.
Ayon mismo ito kay US President Barack Obama.
Sinabi ni Obama na matalas ang dila ni Trump at padalus-dalus kung mag-isip.
Patunay nito ang pagpatol ni Trump sa mga magulang ng isang nasawing US soldier na nagsalita laban sa kanya.
Maliban dito, suportado naman ni Trump ang annexation ng Russia sa Crimea na umani ng maraming pagkondena.
Ipinagtataka ni Obama kung bakit patuloy pa ring sinusuportahan ng Republican Party ang kandidatura ni Trump sa kabila ng maraming problemang ibinibigay nito.
By Ralph Obina