Nanindigan ang Department Of Health o DOH na tatanggapin lang ang mga donasyong bakuna kontra COVID-19 kung mayroon itong Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration o FDA.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, dapat ay rehistrado ang donasyon na bakunang tatanggapin ng bansa.
Giit ni Vergeire, dapat na mangibabaw ang batas at hindi ipagamit sa publiko ang isang bakunang hindi naman rehistrado.
Sa kasalukuyan, bakuna mula sa Pfizer pa lamang ang binigyan ng FDA ng EUA.
Matatandang sinabi ng China na handa silang mag-donate ng 500K dose ng bakuna sa Pilipinas.