Personal na tinanggap ng National Capital Region Police Office o NCRPO ang isang trak ng bigas para ipamahagi sa mga mahihirap na mamamayan sa Metro Manila.
Ayon kay NCRPO Director P/Mgen. Vicente Danao Jr, nagmula ang nasabing donasyon sa Pitmaster Foundation sa pangunguna ng Executive Director Caroline Cruz
Sa panig ni Cruz, nais lamang nilang makapag-ambag sa charity drive ng NCRPO at ibalik ang biyayang kanilang natatanggap sa pamamagitan ng pagbabahagi sa mga kapus-palad
Ito aniya vision ni Pitmaster Chairman Na Si Charlie “Atong” ang na laging tulungan ang mga mahihirap sa anumang paraan at anumang aspeto na maaaring gawin.