Tinanggihan ng DFA o Department of Foreign Affairs ang 500,000 pisong donasyon ni dating foreign affairs secretary Albert Del Rosario.
Ito ay para sa 22 mangingisdang Pinoy na sakay ng bangkang pinalubog ng Chinese vessel sa Recto Bank.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin, nagpapasalamat sila pero kinakailangang ibalik nila ito kay Del Rosario o i-turn over sa treasury dahil hindi aniya maaaring mamamahagi ng donasyon ang kagawaran.
Dagdag ni Locsin, hindi rin nila maaaring ilipat ang nasabing donasyon sa ibang kagawaran dahil maituturing itong malversation.
Una nang napaulat ang pagbibigay ng kalahating milyong pisong donasyon ni Del Rosario para sa 22 mangingisda na ipinadaan aniya nito sa DFA noong nakaraang Miyerkules.