Natanggap ng bansa ang donasyong 420 intensive care unit o ICU beds na nagkakahalaga ng P23.9 milyon mula sa United States.
Itinurn-over ni US Embassy chargé d’affaires John Law ang naturang mga kama kay Health Secretary Francisco Duque III sa Department of Health compound sa Maynila.
Ayon kay Law, patuloy na susuportahan ng US ang Pilipinas sa panahon ng health crisis.
Aniya, may idaragdag pang 180 ICU beds sa susunod na buwan.
Ang nasabing donasyon ay ilalaan sa sa mga ospital at rehiyon sa bawat rehiyon sa bansa upang epektibong mapangasiwaan ang critical COVID-19 patients. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico