Inaasahang dadating sa bansa ang mahigit limang daang libo (539,430) ng bakunang Aztrazeneca sa Nobyembre 30 bilang pandemic assistance ng South Korea.
Ayon sa Korean Embassy sa Maynila, malugod nitong susuportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa layunin na makapagbakuna ng 15 milyong Pilipino sa National COVID-19 Vaccination Day mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
Ang naturang donasyon ng bakuna ay bahagi ng pagsisikap ng Korea at Pilipinas na protektahan ang kalusugan ng publiko at suportahan ang pagtugon sa COVID-19.—sa panulat ni Airiam Sancho