Hindi pinapayagan ang mga ospital na idagdag sa bayarin ng mga pasyente ang mga Personal Protective Equipment (PPE) na donasyon sa kanila.
Nilinaw ito ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagamat nakasaad naman sa Department Order na pinapayagan ang pag-charge sa mga pasyente ng 30% lamang ng halaga ng PPE ng hindi naman galing sa donasyon.
Sinabi ni Vergeire na mayroon silang inventory ng mga donated PPE’S para ma-monitor kung mayroong overpricing.
Ayon pa kay Vergeire kung ang pasyente ay nasa Intensive Care Unit na maituturing na critical care mas maraming PPE ang magagamit subalit kung nasa ward lang sa lang ang PPE na magagamit pag nag rounds ang doktor.