Inaasahang darating na ngayong weekend ang donasyong surgical masks at test kits mula sa China.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin, sinabihan sya ni Chinese Ambassador Huang Xillian na ikinakasa na nila ang chartered flight na magdadala ng 100,000 surgical masks at 100,000 testing kits para sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kasama rin sa ipadadala ang may 10,000 personal protective equipment at 10,000 N-95 masks.
Sinabi ni Locsin na hiniling rin sa kanya ni Huang na alertuhin ang Bureau of Customs sa pagdating ng chartered flight upang hindi na magkaroon ng aberya.