Nanawagan ang pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa publiko na magbigay ng donasyon sa mga nasalanta ng magkakasunod na bagyo.
Sa Facebook page ng AFP, sinabi nito na sa mga nais na magpaabot ng tulong, ay pupwedeng magsadya sa Camp Aguinaldo Tennis Court sa Quezon City o kaya’y makipag-ugnayan sa kanilang hotline na 0917-884-6797.
Pagtitiyak ng AFP, agad nilang ipaaabot ang nalikom na tulong sa ating mga kababayan na napuruhan dahil sa pananalasa ng bagyo gaya ng Albay, Catanduanes, Cagayan, Marikina at iba pa.