Nagsalita ang stand-up comedian na si Donita Nose hinggil sa kanilang naging sigalot at tampuhan ni Tekla.
Sa huling YouTube content ng dalawa, ipinaliwanag ni Donita sa kanilang mga taga suporta ang naging problema sa kanilang pagsasama sa isang bahay bilang mga vlogger.
Ayon kay Donita, ang pagiging tamad ni Tekla ang isa sa pinaka-malaking problema kung bakit hindi na sila nakakapag-upload ng video sa kanilang channel na “Donekla in Tandem” na ngayon ay mayroon nang 3.21-M subscribers.
Dagdag pa ni Donita, bukod sa hindi na-a-appreciate ni Tekla ang kaniyang malasakit para matulungan ang pamilya nito ay masakit din itong magbitaw ng salita.
Sinabi pa ni Donita na walang magiging problema sakaniya kung makakatanggap din siya ng masasakit na salita mula sa mga fans ni Tekla dahil ginagawa niya lang umano ang kaniyang trabaho. —sa panulat ni Angelica Doctolero