Inamin ng aktres na si Donita Rose na dumaranas siya sa problemang pinansyal.
Ayon kay Donita, umabot siya sa punto na parang nais niya nang sumuko dahil sa bigat ng problema.
Iyak lang aniya siya ng iyak na sinabayan niya ng pagdarasal.
Ngunit naging mabilis aniya ang pagsagot ng Panginoon sa kanyang mga dasal.
Bigla aniya siyang nabigyan ng project, ang pelikulang ‘Seven Sundays’.
Sinabi ni Donita na ito ang kanyang movie comeback matapos ang labing apat (14) na taon.
Kanya aniyang napatunayan na magtiwala lamang sa Panginoon.