Muling nakatanggap ng pangba-bash mula sa mga netizen ang Singer at Content creator-Youtube Vlogger na si Donnalyn Bartolome.
Pinutakte si Donna ng mga basher matapos ilabas ang kaniyang “Kanto-Themed” birthday party kung saan, naisipan ni Donna na ipakita sa kaniyang vlog ang usual na handaan ng mga mahihirap na Pilipino.
Makikita sa inupload na video na sa kanto ginanap ang nasabing birthday party kung saan ang mga bisita ni Donna ay nakapalibot sa isang lamesa para sa inuman.
Makikita din ang mga inihandang pagkain na mabibili lang sa kanto at ang isang buong tutong na kanin na ginamit bilang isang cake.
Dahil dito, marami ang nagalit at hindi natuwa sa ginawang content ng Vlogger-Youtuber pero may ilan ding mga manonood ang natuwa, nalibang at nakarelate dahil sa galing ni Donna bilang isang Content Creator.