Mariing itinanggi ni outgoing SSS o Social Security System President Emmanuel Dooc ang mga ikinakabit na kontrobersiya laban sa kanya kasabay ng kanyang pormal na pagbibitiw sa puwesto.
Ayon kay Dooc, napatunayan na sa isinagawang imbestigasyon ng SSS commission na walang katotohan ang lumabas na isyu hinggil sa investment ng ahensiya.
Ito aniya ay bagama’t may nakasampang kaso sa tanggapan ng Ombudsman hinggil sa usapin, hindi naman aniya siya kasama rito.
Pinabulaanan din ni Dooc ang alegasyong bumaba ang koleksyon ng sss sa ilalim ng kanyang pamumuno.
Una nang nilinaw ni Dooc na ang kanyang pagbibitiw bilang pinuno ng sss ay kasunod ng pagsasabatas sa SSS Rationalization Law na nagsasaad naman ang pagbuo ng panibagong komisyon.
Sa maiksing panahon na ako’y nakaupo, taun-taong lumakas ang ating koleksyon. In fact, last year was the highest ever in the history of SSS. Nakalikom tayo ng 181 billion pesos. Pahayag ni Dooc