Nakatakdang operahan sa puso ang isa sa batikang brodkaster ng ABS-CBN na si Mutya ng Masa Doris Bigornia.
Ito ang inanunsyo ng kanyang partner sa isang programa sa radyo na si Alvin Elchico, na aniya’y may pahintulot ng pamilya ni Bigornia.
Ayon kay Elchico, inatake sa puso si Bigornia nitong gabi ng linggo dahilan upang isugod sa ospital ang brodkaster at irekomenda ng doktor na siya ay isailalim sa open heart surgery.
Dagdag ni Elchico,nasa Intensive Care Unit (ICU) ngayon si Bigornia at nakakausap naman.
Samantala, humihingi naman ng panalangin ang pamilya ni Bigornia para sa matagumpay at ligtas na operasyon ng brodkaster.
Matatandaang kilala ang 55 anyos na brodkaster sa mga isyung inuulat nito na malapit sa puso ng publiko gaya ng trapiko.—sa panulat ni Agustina Nolasco