Nagpaalala ang ‘Laging Handa’ team ng pamahalaan sa mga puwede at hindi pwedeng gawin sa ilalim ng Luzon enhanced community quarantine.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, general rule na manatili ang lahat sa loob ng tahanan.
Suspendido ang klase sa lahat ng lebel at walang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan at pribadong sektor maliban sa ilang exemption.
Inaatasan ang barangay captain na tiyaking isang tao lamang sa bawat bahay ang lalabas upang mamili ng pangunahing pangangailangan.
Hindi naman maaaring lumabas ng bahay ang mga mabilis kapitan ng virus tulad ng mga senior citizens at may mga dati nang sakit tulad ng sakit sa puso, hypertension, diabetes at iba pa, gayundin ang mga buntis.
Maliban sa health workers, sundalo, pulis at media –ang iba pang puwedeng lumabas ng bahay ay ang mga empleyado ng mga supermarkets, groceries, convenience stores, wet market, drug stores, bangko at remittance centers.